| 
  • If you are citizen of an European Union member nation, you may not use this service unless you are at least 16 years old.

  • Stop wasting time looking for files and revisions! Dokkio, a new product from the PBworks team, integrates and organizes your Drive, Dropbox, Box, Slack and Gmail files. Sign up for free.

View
 

FrontPage

Page history last edited by Mosses Buensuceso 10 years ago

Online Local Government of Barangay Poblacion Dos

MUNICIPALITY OF BAUAN - PROVINCE OF BATANGAS

 


Maikling Kasaysayan ng Bauan

 

            Ang pangalan ng bayan ng Bauan ay nanggaling sa katagang Tagalog ng bauang (bawang) na nangangahulugang “bundok na may hugis ng ngipin ng lagari at “baku-bako” monte cerrado (serrado y aspero) (Noceda-sanlucar, Vocabulario, 1860, p. 43) Tinawag ang Bauan ng “ikalawang anak ng Taal” “Segundo hijo de Taal”, sa pagiging isa sa dalawang visita (“maliit na pamayanang nagtataglay lamang ng kapilya, ngunit walang naninirahang pari mula sa kabisera”, John Schumacher, Reading in Philippine Church History, 1979, p. 409) ng Taal Ang kauna-unahang visita ay Balayan, samantalang ang Bauan naman ang ikalawang visita hanggang 1600. (Pedro Andres de Castro y Amoedo o Padre Agustin Maria de Castro, “ Carta edificante, o Viaje a la Provincia de Taal, MS., 1790)

  

            Ang “Lumang Bawang” (Tambo) ay inilipat nang makatlong ulit: sa Durungaw (1662-1671); sa Duklap (1671-1690); at sa huling pagkakataon ay sa Tulusan noong 1690 hanggang sa kasalukuyang kinalalagyan ng bayan ng Bauan.

  

            Ang Bauan ay nagbigay buhay (give birth) sa apat pang bayan. Ang una ay ang San Jose na naging bayan at humiwalay sa Bauan noong 1767, ang sumunod ay ang bayan ng Alitagtag, noong 1901, ang bayan ng Mabini noong 1918 at ang bayan ng Tingloy kilala bilang “Isla de Maricaban” noong 1955. ang pinakahuling bayan na nagpasyang magsarili at humiwalay sa Bauan ay ang San Pascual noong 1971. 

 

            Ang Bauan ay binubuo ng apatnapung (40) barangay kasama ang Poblacion. Ang Poblacion ay nahahati sa apat na barangay: Barangay Poblacion I, Barangay Poblacion II, Barangay Poblacion III, Barangay Poblacion IV.

  

            Ito ang sentro ng lahat ng pangkabuhayan at kalakalan sa buong bayan. Mapapatunayan ito ng malaki at maunlad na pamilihang bayan ng Bauan at mga industriyang nakapaligid sa baybaying dagat ng Batangas na nasasakupan ng Bauan.

  

            Ang katahimikan at kaunlaran ay patuloy na nakikita at nararanasan ng mga mamamayan kasabay ng mabilis na pag-unlad ng bayan sa pagdami ng mga namumuhunan dito sa ating lugar. Dahil dito, ay patuloy na naipagkaloob ng pamahalaang bayan ang mga pangunahing pangangailangan ng lahat ng mamamayan sa bayan ng Bauan.

 

 

Ethnic Origin

 

            Balikan natin ang unang Poblacion ng ito ay hindi pa nahahati sa apat na barangay, ang tawag dito ay Kanlurang Bauan na binubuo ng Maricaban at Kanluran. Tahimik at mababait ang mga taong naninirahan dito. Sa panahon ni Ex-Mayor Buenvinido Castillo, ang lupain ni Dona Itang Brual ay binahagi ng nasabing mayor, upang ito ay ipamahagi sa mga empleyado ng Munisipyto sa hulugang pagbabayad. Ang bahaging ito ay taniman ng mga gulay, kaya ito ay tinawag na Nursery. Sa kasalukuyan ang bagong pamayanan ay tinawag na Nursery. Isang subdivision ang itinatag at ito ay tinawag na Nuestra Senora de Guia Homes. Marami ang kumuha ng lupa dito at pagkaraan ng 5 taon ito ay isa ng maunlad na pamayanan. Muli nagkaroon ng isa pang subdivision, ang Kalumala Ville. Marami nang naninirahan ngayon sa mga nasabing subdivision. Sa kasalukuyan, maganda, tahimik ang pamayanan, sa pamumuno ni G. Arsenio Clarin at ng kanyang mga Kagawad.

 

 

Political History of Barangay Poblacion II

  

            Maganda ang takbo ng pulitika sa Bauan, tahimik dito ang mamamayan. Panahon noong ng dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos ng magpasa ng batas na ang mga bukid ay tatawaging Barangay. Ang Poblacion, ay hinahati-hati sa apat na barangay, Barangay Poblacion I, Barangay Poblacion II, Barangay Poblacion III at Barangay Poblacion IV. Sa paghahati, ipinasya ng dating Mayor Buenvinido Castillo na magkaroon ng Pangulo ang hinating Poblacion. Naging pangulo si G. Edilberto Contreras, sinundan ito ni G. Mardonio Agbay sa loob ng dalawang termino. Ang sumunod na pangulo ay si G. Arsenio Clarin. Sa kalagitnaan ng pagiging pangulo, si G. Arsenio Clarin ay tumakbong konsehal ng Bayan, naupo sa pagkapangulo si G. Benjamin Malolos hanggang matapos ang kanyang termino. Nang sumunod na halalan muling tumakbo sa pagkapangulo si G. Arsenio Clarin at muli siyang nanalo sa halalan. Habang siya ay nanunungkulan siya ay itinalaga ni Mayor Castillo na kanyang pamunuan ang Bauan Public Market, at sa pagkakataon ito, itinalaga si G. Perfecto Abella bilang pangulo ng Barangay II. Muling tumakbo sa pagkapangulo si G. Perfecto Abella at siya ang nanalo. Nang matapos ni G. Perfecto Abella ang kanyang termino noong taong 2007, si G. Arsenio Clarin ang inihalal at sa hanggang sa kasalukuyan si G. Arsenio Clarin ang pangulo ng Barangay Poblacion II.

  

Barangay Fiesta: May 3 – Holy Cross

 

 

Barangay Santacruzan:

 

  1. Maricaban : May 23 – Our Lady of Fatima
  2. Centro      :  May 24 – Our Lady of Fatima
  3. Nursery     : May 30 – Our Lady of Lourdes

 


Academic and Personal Users

Free recorded webinar: PBwiki for librarians and educators

 

 

Links:

 

Comments (0)

You don't have permission to comment on this page.